Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay ePUB

Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay Sitio Quinabuangan, Zambales at ang pagbabanda.Cembo, Makati at ang Barko.Baclaran sa gabi, para sa inyong walang mauwian.Sa sampung sanaysay, inilalathala ni Ferdinand Pisigan Jarin ang kabataan niya bilang Pulot Boy ng tennis balls sa isang marangyang club, ang kanyang pagsisikap bilang pinakamaliit na miyembro ng D Pol Pisigan Band, at ang pagtungga ng Michael Jordan at Olajuwon bilang agahan sa loob ng walk in freezer kasama ang iba pang Service Crew Dito nakalista ang mga pangalan ng ex girlfriends at ng iba t ibang bigong first loves Narito rin ang listahan ng mga rambol, mga napatumba niya sa inom o sa bakbakan, mga kalokohan na hindi maiiwasan sa larangan ng pag ibig, at ang tunay na rason kung bakit tumakas siya mula sa Kumbento.Narito lahat nang walang daya, walang labis, at walang kulang Mas mahalaga, walang entrance fee.


About the Author: Ferdinand Pisigan Jarin

Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero, at guro Dating Literary Editor ng The Torch Publication at Aklas Literary Folio ng PNU Nagtapos siya ng BSE Social Science sa Philippine Normal University PNU Manila Awtor ng pambatang librong Si Lorkan, ang Matulunging Butanding ng 2002 UNICEF Tahanan Publishing at naging script contributor sa pambatang programang Batibot at Koko Kwi



10 thoughts on “Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay

  1. says:

    Di biro ang naging buhay ni Sir Jarin Kamangha mangha na isipin na kaya niya tayong pasayahin at paiyakin ng sabay sa pamamagitan lamang ng kanyang mga walang hiyang panulat Mahirap magkwento ng mga personal na karanasan lalo na yung mga tipong napakapribado o kaya y yung tipong napakasakit alalahanin Mahirap ibalik ang nakaraan lalo na, na sa bawat titik na iyong isusula


  2. says:

    May hiwalayang nakakamanhid ng pagkatao May hiwalayang nagtatangal ng sarili pati kaluluwa Mayroon din namang magpapasalamat ka dahil buti na lang nangyari na Mayroong nagiiwan sa atin ng galit habangbuhay at nariyan din ang may kasamang pagpapatawad Sampung kuwento ng buhay ni Ferdinand Pisigan Jarin FPJ o mas kilalang Sir Fredz sa mga taga Philippine Normal University PNU Mah


  3. says:

    Review to follow.Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko no ng magsimula akong basahin ang librong ito Ang alam ko lang, hindi ko inaasahang maiyak At hindi lang isang beses ha O baka iyakin lang talaga ako pagdating sa libro.


  4. says:

    Kasalukuyang ninamnam pa ang pagtatapos ko sa libro Gagawan ko to ng rebyu, pramis Pahingi lang ng kaunting panahon.


  5. says:

    Magkahalong emosyon ang naramdaman ko mula ng mabasa ko ang mga akda ni Sir FPJ Sir Ferdz Ung una seryoso, maya maya mapapaluha ka, may aksyon tapos bigla ka nalang tatawang mag isa.Ang mga Sanaysay na may saysay at mananalaytay sa isipan, iyon siguro ang impluwensiya nito sa akin Koleksyon ng mga Sanaysay, dito ang mga akda ni Sir Ferdz ay tumutukoy sa tunay na buhay, ang kahirapan, ang pakikipagsapalaran,


  6. says:

    Siguro sa dami ng nakikita kong mga ganitong sanaysay, hindi na ito kakaiba sa akin Siguro, noong ito ay inilaban sa Palanca, siya ang pinaka unang nagpasa ng ganitong uri ng panitikan O siguro, ito ang pinaka nakakurot ng puso ng mga hurado.


  7. says:

    Pano Basahin


  8. says:

    Ang salaysay ni Jarin ay sumasalamin sa karaniwang tao at ang karaniwang tao sa aking pag babatid ay siyang may pinaka magagandang kuwento pero bihirang ikuwento.Kahanga hanga kung iisipin dahil pilit inaalala ng may akda ang masaya,malungkot,masalimuot at masakit na karanasan.Pinag sama sama upang makabuo ng isang obra Kasabay ng pag papatianod sa mga salaysay,dinadala ang mambabasa sa ibat ibang mga lugar,tagpo,taon,sitwasyon at mg


  9. says:

    3 star dahil isa ito sa koleksyon ng sanaysay na nagpahikbi uhh oo sige na nga, nagpaluha sa kin habang binabasa Hindi naman buong libro e malakas makahugot ng malungkot na emosyon Mas nakita ko ito bilang pagbabalik tanaw sa mga karanasang pinagdaanan ni sir Ferdie Hitik sa aral ng buhay ang bawat sanaysay na kasama sa kwentong ito Karaniwang karanasan man ang tampok kada sanaysay, parang bago pa din Sa sobrang karaniwan kasi ng mga bagay ba


  10. says:

    sabi ni Reuel Aguila sa Intro niya sa librong ito, napagsama raw ang karaniwan at ang sining para tumalakay ng mga bagay na di kadalasang talakayin in general, ng panitikan in particular Tango naman dito, at maganda nga ang punto magandang pagnilayan, higit pa sa mga mainstream na literary practitioners, ng mga manunulat who identify themselves with the politics of the Left, and even further, those who identify themselves with the Leftist politics and


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top